Vice pampataas-rating ang pag-amin kay Ion

Vice pampataas-rating ang pag-amin kay Ion

Marami ang masaya sa aminang Vice Ganda at Ion Perez relationship. Pero hindi lahat ay natuwa.

Karamihan ay buwisit sa naganap na rebelasyon mismong sa show ni Vice na “Gandang Gabi Vice” na ipapalabas ngayong Linggo.

Sabi tuloy ng iba ay pandagdag ratings ang ginawa nina Vice at Ion. Nakonek tuloy ang usaping naalarma na nga ba si Vice sa katapat nitong show na “The Boobay and Tekla Show” ng GMA-7? Ang tanong ng netizen, magtatagal ba ito? Gamitan ba ito o totoong nagmamahalan?