FINALLY, may sense ang posts ni Vice Ganda.

Medyo kainaman ang kanyang posts tungkol sa infamous NA-ANO issue.

Alam na alam niya ang puno’t dulo kaya may kabuluhan.

Parang ang gustong iparating ni Ganda, we are damned because of the choices we make.

Kaya dapat, isip-isip sa pagpili.

Lalong-lalo na sa mga politikong nagpapatakbo sa Pilipinas nating mahal.

Sa mga hanash niya, walang ibang taong pwede at dapat sisihin kundi ang taong bayan na nagluklok sa pwesto at nagbigay ng kapangyarihan sa mga nilalang na hindi karapat-dapat.

Ang best in hanash ni Vice, “Wag mong sisihin ung politiko dhil istupido sya. Sisihin mo sarili mo dhil binoto mo sya. Nagtrip lng naman syang tumakbo. At naniwala ka.”

Walang ibang pwedeng sisihin, kundi ang mga botong inakalang “the best” ang pinili nila.

At ang best in kuda niya ay, “Ang saklap na yung mga mahuhusay at matitinong tao, di nabigyan ng pagkakataong magkapwesto sa gobyerno. Pero ‘yung mga pulpol namamayagpag.”

Very well said ka sa hanash at kuda mong ito, Vice.

You deserve a round of sincere applause sa enlightened posts mo.

Nawa’y tuluy-tuloy na ito. You are in a great position to influence.

Magandang ehemplo para sa Ponies mo ang iyong posts. Makakatulong ito na imulat ang kanilang mga mata sa katotohanan at tunay na kalakaran ng buhay.

6 Responses

  1. For me, non-sense ang mga posts comment ni Vice Ganda. He has no credibility at all dahil sya mismo ay hindi magandang ehemplo. What more sa mga offensive jokes nya lalo na sa mahihirap na contestants…. Besides, what can you expect na sasabihin nya, rival program nila ang EB (Eat Bulaga)….. “Yung mga pulpol namamayagpag”.. Look who’s talking.

    1. Si Vice for you walang credibility pero mas matalino ang mga opinion nya sa mga karamihan sa mga pulpol na nakaupo sa gobyerno…marami syang supporters at yun minsanan nyang magbigay ng formal opinion sa social media e malaking factor na posible na mapaisip ang mga bumoboto nyang supporters…and kung ehemplo e ehemplo sya sa mga LGBT.. at komedyante sya…wala sya sa gobyerno. yun offensive joke nya e binago na nya at kung ikaw ay supporter nya ay mapapansin mo yan…sarili na nya ang nijojoke nya na gustong gusto nyo marinig…sa mga close friends rin nya yun mga inooffend nya na joke…or baka di rin ako aware kasi may work ako pag Showtime …so kung ikaw ay nanonood araw araw ng showtime e makakabigay ka ng halimbawa kung ano yun binastos nya sa contestant..yun latest ha..baka mamaya e 3 years ago pa yang example mo.

    2. ang pinag uusapan mga elected government officials, hindi artista. Tama naman si VGanda. Bakit hindi tingnan ang sinasabi related sa issue? Kung nonsense ang ibang posts ni VGanda about showbiz, bahala fans niya doon. Walang nagagamit ba pera ng bayan. Pero ang “joke” ni Tito Sotto sa confirmation hearing sa Senado was done at a time and place paid for by taxpayers. Kaya, umayos siya.