Ang siyan na taon sa himpapawid ng “Gandang Gabi,” pangmalakasan na ang wakasan. Oo, hindi lang tuldok, kundi tandang pandamdam na ibinigay sa palatuntunan ni Queen Bayot Vice Ganda.

Aminin man ni Jose Marie o hindi, ang mga huling pagkakataong ang programa niya ay nasa telebisyon pa, pare-pareho na ang mga kaganapan, walang bago, hindi na nakakatuwa na para na lang ito perya kung saan kung sino-sinong bakla na kaibigan niya at gustong maambunan ng kanyang tanyag ang ibinebenta .Pulos promo na lamang ng mga artistang may bagong pelikula sa Star Cinema o television show sa Dos ang inyong matutunghayan

Saka marami na rin ang sawang-sawa at umay na umay sa estilo ng pagpapatawa at pagmamaganda ni Ganda na hindi naaayon sa kanyang tunay na ganda. Alam naman natin na kapag tinanggal ni Vice ang kanyag makululay na peluka at makapal na make up, he has a face that only his mother, siblings and Ion Perez could love, hindi ba naman?

Ang mas masakit pa sa pagtatapos ng GGV, hindi na siya ratings winner dahil nga ang programa nina Boobay at Tekla na kanilang minamaliit at pinamewangan ang siyang unang nagparanas ng pagkatalo sa show.

Ano na ang mangyayari kay Vice Ganda? Spaghettng pababa na ba talaga ang kanyang karera? Strike 3 na ang bakla, ligwak bilang MMFF 2019 top grosser ang pelikula niyang hindi naman pala merrier, hindi na siya kasama sa paparangalan sa Guillermo at ngayon ito naman.

Pati nga ang mga pamamaalam niya sa Twitter, mas marami ang nagbubunyi at naglulundag sa tuwa na wala na ang GGV at “good riddance” at “condolence sa iyo,” ang sentimiyento ng mga basher at hater niya.

Naway makabawi ang Queen Bayot sa bago niyang show dahil kung hindi, alam na alam na, baka may chance na siyang humalili kay Diether Ocampo bilang pangulo ng League of Extra Ordinary Has Beens. Yun na!

Tabing Ilog: The Musical nakakadismaya

Si Desiree del Valle, na isa sa mga orihinal na cast ng Tabing Ilog, dumalo pala sa opening night performance ng musical version nito. Sana naman nag-enjoy siya lalo na nga’t alam niya ang pasikot-sikot ng show nila dati.

Ang diva that you love, na pinanood ito sa press preview, disappointed sa aking nasasaksihan. Wala kasi ‘yung mga hinahanap-hanap ko sa isang musikal – bonggang mga production numbers, solo songs na tatatak. Oo maraming dueto at sabayang pagkanta, pero pag labas mo sa tanghalan, ni isang kanta, wala kang matatandaan at gustong kantahin.

Ang dami-dami pang gustong sabihin ng musical na ito, ang daming hanash at kuda pero wala namang pang-malakasang exposition at resolution sa issues na kanilang inilahok at inalako.

Well, kung mababaw na juvenile musical ang hanap niyo ito, sure na sure na magugustuhan niyo ang palabas na ito.