“O, bakit ba humaba ang quarantine? E kasi nga, mga Pinoy makukulit! ‘Pag sinabing ‘wag lumabas, maglalabasan. At ‘pag nagkasakit naman, magsisisihan. Daling sabihing ‘penge ng ayuda,’ pero sumusunod nga po ba?”

Ito ang sambit ni Vice Ganda sa kanyang viral TikTok video, kung saan kinanta niya ang kanta ng This Band na “Kahit Ayaw Mo Na” .Pinalitan niya ito ng lyrics upang sambitin ang aniya’y dahilan ng paghaba ng enhanced community quarantine sa Luzon laban sa COVID-19.

Magkahalo ang komento ng mga netizen: may mga sumang-ayon at pinangaralan ang mga mamamayang maitigas ang ulo. Ang iba naman ay sinasabing privileged ang komedyante at gobyerno raw ang dapat sisihin dahil anila’y mabagal ito sa pagresolba ng pandemya. (SDC)