Vice, todo pa-picture sa fans kahit pagod na pagod

Vice Ganda

Kahit may mga nang-iintriga kay Vice, hindi maikakailang usong-uso pa rin siya dahil kahit sa Amerika ay big success ang lahat ng concert niya, huh?!

Si Anna Puno na producer ng Los Angeles concert ni Vice, ikinuwento sa amin na certified sold-out ang tickets doon.

Kuwento ng kaibigan naming si Mary Ann Opeña na malapit na kaibigan ni Vice at ilang beses nakasama ng gay TV host/comedian habang nasa Amerika ito, sobrang nag-enjoy kay Vice ang mga nanood ng concert series nito.

Sobrang pinagkaguluhan si Vice sa bawat lugar na pinuntahan niya sa Amerika.

“Mabait talaga si Vice dahil nagpapa-picture siya kahit pagod na,” sey pa ni Tita Mary Ann.

Anyway, sa Sabado ay may big birthday celebration si Vice sa It’s Showtime.

***

IT’S nice to be back! Ngayong umaga rin ang dating ni Martin Nievera mula sa Los Angeles, California.

Kasabay niya si Vice Ganda na nagkaroon din ng concert series sa Amerika.

Magpapahinga lang sandali si Martin dahil mamayang gabi, special guest siya sa isang dinner concert ni Gerald Anderson para sa foundation ng aktor.

Gusto ni Martin na suportahan si Gerald sa event nito, kaya umuwi na siya kaagad kahit sa Linggo pa siya kailangan sa ASAP.

Isa si Gerald sa mga aktor ng ABS-CBN na gustung-gusto ng Concert King dahil napakabait din.

Going back to Martin, sobrang nag-enjoy ang singer/TV host sa Amerika dahil naka-bonding niya ang anak na si Santino.

Kaaalis lang niya ng Amerika, miss na niya kaagad ang bunsong anak.

Bukod sa isang show sa Las Vegas, Nevada, nag-a capella performance ng US National Anthem si Martin before a sold out Golden State Warriors’ Filipino Heritage Night noong Marso 18 sa Oracle Arena sa Oakland, California.

***

51st birthday kahapon ni Snooky Serna.

In fairness, hindi mukhang 51 si Snooky dahil very blooming siya at isa sa mga dahilan no’n ay ang pagiging in love niya sa dating vice governor ng Bulacan na si Mr. Ramon Villarama.

Kapag magkatsikahan kami ni Snooky, wala siyang bukambibig kundi si “Vice” na paborito niyang tawag kay Ramon.

Ang isa sa mga ginawa ni Snooky kahapon ay nag-Facebook Live siya kung saan ay nakipag-chat siya sa kanyang mga kaibigan at fans.

Hilig ni Snooky ang pagla-live sa FB, kaya tuwing nakikita namin siya eh binibiro namin na siya na ang “Facebook Live Queen”!

***

Rating well ang kiligserye ng GMA 7 na Meant To Be dahil matindi ang clamor na gumawa ng pelikula ang main cast nito.

Ang suggestion ng fans, pagsama-samahin sina Barbie Forteza, Ivan Dorschner, Ken Chan, Addy Raj at Jak Roberto sa pelikula.

Pero syempre, dahil mas matindi ang suporta ng fans ng VanBie (Ivan-Barbie) fans, gusto nila na ang dalawa ang magka-partner sa pelikulang gagawin kung saka-sakali.

Sa isang poll ng GMA 7 kamakailan, ang VanBie o Team Gatas ang nanalo, kaya ang request ng fans, dapat sa ending ng Meant To Be ay sa character ni Ivan mapunta ang character ni Barbie, huh?!