Vice umayuda sa basher

NI: ARCHIE LIAO

Sa panahong ito na nababalot ng poot ang social media, malaking bagay pa rin ang maging maunawain.

Sa kaso ni Vice Ganda, napatunayan niya ang kasabihang ‘bilog talaga ang mundo.’

Hindi man niya plinano pero itinakda ng tadhana na ang isang basher niya na biktima ng global pandemic ang makatanggap ng donasyon mula sa kanya.

Ang naturang basher na kumukondena sa relasyon nila ng boyfriend na si Ion Perez ay humingi ng tawad sa kanya .Ito’y pagkatapos makatanggap ng tulong sa TV host-comedian.

Nagpasalamat din ito sa grocery packs na natanggap kay Vice.

Feeling vindicated naman si Vice sa naging mensahe sa kanya ng basher.

“Nakonsensiya ako… Tao lang, sorry po. Yung binabash ko na Ion at Vice, nagpadala ng ayuda here sa bahay… Salamat, meme!” sey ng basher na netizen.

Hirit naman ni Vice,ang pandemic ay panahon daw para magpalaganap ng good vibes, kapayapaan at pag-ibig sa buong mundo.