Vice wala ng alam sa hawaan ng virus

Wala namang pagdududa ang diva that you love na dahil sa pagmamalasakitsa kapwa niya mga Filipino kaya may kakaibang mensahe si Queen Bayot Vice Ganda .Dinaan niya ito sa pamamagitan ng isang TikTok video clip.

Balat sibuyas ba ang karamihan at sangrekwa talaga ang may pakiramdam na sila ang sinisi at sila ang may kasalanan kaya may nahahawa ng coronavirus?

O, si Vice ay wala na naman sa hulog at hindi talaga alam ang puno at dulo kung bakit dumadami ang may virus? Kasi ang bagal-bagal ng proseso para sa mass testing at kaya hindi mapa-flatten ang curve dahil kulang sa datos at tamang bilang . Malulunasan lamang kung maisasakatuparan ang pangmalakasang mass testing sa mga PUI at PUM?

Insensitive na nga ba si Viceral sa kalagayan ng mga nakakarami kaya may parunggit siyang ganito? O,mas nag-aalala siya para sa mayorya na ayaw niyang mahawaan o magkasakit pa?

Bigla, agad-agad, parang person of national importance na naman ang Queen Bayot, huh! Polarized ang madlang pipol at dabarkads dahil sa mga pinagsasabi niya, huh!

Minsan rin naman, we need a larger than life figure. Ito’y para ipaalala sa ating lahat na ang likas nating pagiging makulit at matitigas ang ulo ay mas nagdudulot ng kapahamakan at hindi katiwasayan.

Jay ‘wag tularan

Hindi ko maiwansang matawa sa pagmamaganda nitong si Jay Sonza. Kung kailan tumanda, saka hindi kumikilos ayon sa kanyang ganda .Tila gagawin niya ang lahat para lang makapagpansin at masabing may saysay at kawawaan pa rin siya sa mundong kanyang ginagalawan.

Ang niyang pabibo at pakwela na wala na naman sa hulog: tungkol sa Asymptopangit.

This was how low and lame ang kanyang tirade. Na siyempre, hindi pinalagpas ni Ogie Diaz.

Ano pa ba ang pwede nating sabihin kay Jay Sonza kundi, mga bata, HUWAG TULARAN!