Vicki Belo kasabwat sa Sarah-Matteo secret wedding

Naispatan ng sikat na cosmetologist na si Dr. Vicky Belo ang newlyweds na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na namimili ng gamit para sa kusina,

Sa Instagram video ni Belo, sinabi nito na tila magsasama na sa iisang bubong sina Sarah at Matteo ngayong kasal na sila dahil sa pagbili ng mga utensils para sa bahay.

Todo ang pag-congratulate ni Dr. Vicki sa mag-asawa, na nilahad pa ang hiling ni Matteo para sa kanyang misis.

“He told me his only wish for Sarah is to be the happiest woman in the world,” sey sa caption ng doktora.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Matteo dahil sa suporta sa kanila ng sikat na celebrity doctor.

“We love you Dra,” reply ni Matteo sa post ni Belo.

Sa nasabing video, makikita na tinutulungan pa ng anak ni Dr. Belo na si Scarlet Snow ang mag-asawa na mamili ng glassware, at pinakita pa ni Matteo ang aso niya sa cute na tsikiting. (RP)