NI: ROLDAN CASTRO

Sobrang sweet ni Jason Abalos sa birthday message niya kay Vickie Rushton. Ipinaramdam niya talaga ang kanyang pagmamahal sa kanyang girlfriend.
2010 nang magkakila ang dalawa sa ABS-CBN event sa Bacolod.

Nag-post si Jason ng photo ng beauty queen at dating PBB housemate. Ang kanyang caption.

“Mahal kong baba. Maraming salamat sa pag dagdag ng kulay sa mundo ko, mundo naming lahat na nakapaligid sa iyo at mga mahal mo. Maraming salamat sa Diyos sa napaka ganda mong puso at pati kami natututo kung paano umibig ng kagaya ng pag ibig mo.

Patuloy pa niya, “Naeexcite ako sa araw araw at sa magiging buhay pa natin na magkasama. Ang blessed ko. Sa 10 years na dumaan hindi ko pa din maisip pano ka nakatagal sa kasama ako. Ganyan ka lang baba. Madaming nag mamahal sa iyo.. mahal na mahal kita. Happy happy birthday! Celebrate na lang muna ako dito mag isa ha. Para sa iyo naman to :) malapit naman na layas agad tayo.:

Sumagot naman si Vickie ng , “Thank you babaaaa 😭😭😭 i love you so much! “