Matindi ang naging labanan ng mga kandidata ng Binibining Pilipinas sa ginanap na National Costume Competition nitong Huwebes.
Sampung naggaganda-hang kandidata ang pasok sa Top 10 finalists at magla-laban-laban para masungkit ang Best in National Costume award.
Kabilang sa pumasok ay sina Leren Mae Bautista mula Laguna, Maria Andrea Abesamis ng Pasig City, Jessarie Dumaguing ng Puerto Princesa, Samantha Mae Bernardo ng Palawan, Resham Saeed ng Maguindanao, Cassandra Chan ng Bacolod, Emma Mary Tiglao ng Pampanga, Samantha Ashley Lo ng Cebu, at Hannah Arnold ng Masbate.
Kasabay rin nilang pumasok ang dating PBB Housemate na si Vickie Milagrosa Rushton na kumakatawan sa Negros Occidental.
Mapipili ang magwawagi sa pamamagitan ng pagboto. Kaya hinihikayat ng Bb. Pilipinas organi-zers na iboto ang kanilang paboritong kandidata sa kanilang website.
Samantala, kasabay ring inanunsiyo ang Top 3 finalists para sa Talent Competition. Pasok ulit ang dalawang finalist ng National Costume na sina Samantha Mae Bernardo ng Palawan at Cassandra Chan ng Bacolod. Pasok rin ang Binibini ng Batangas na si Allanis Reign Binoya.
Ang magwawagi ng Best in Talent ay malalaman sa Bb. Pilipinas Coronation Night na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na June 9. (Ronaline Avecilla)