Tumangging pag-usapan ni Ms. Coney Reyes si Ms. Dina Bonnevie.
Last time kasi na makatsika namin si Ms. Dina ay nabanggit nito ang tungkol sa dati nilang friendship na nasira dahil kay Vic Sotto, pero later on ay naging magkaibigan ulit sila at ngayon ay very okay na sila ni Ms. Coney.
“Huwag na nating ungkatin ang nakaraan na almost 30 years ago. Tahimik na ang mga tao. Nananahimik na sila sa mga asawa nila, so just leave that be,” napapangiting sey ni Ms. Coney.
Kine-credit siya ni Ms. Dina sa pagiging mas malalim ng pagka-Christian ito. Siya raw ang dahilan noon.
“Maraming salamat pero usually naman, hindi lang iisang tao ang nakakatulong sa atin, marami naman, eh. Pero maraming salamat if she thinks that way. I wish her well and she’s always nice naman to Vico, eh. So, walang problema.”
Dugtong pa ng batikang aktres, “Huwag na nating ungkatin ang nakaran, tama na. Kasi, if I say something pa…
“Aren’t you happy for all of us? I’m very happy for them, I’m very happy for her. I’m very happy for everybody being happy. So, tumahimik na lang tayo.”
Inalam namin kay Ms. Coney kung inusisa ba niya ang guwapong anak niyang si Mayor Vico Sotto nang ma-link ito kamakailan kay Gretchen Ho.
“Hindi. Kasi, hindi ako tsismosa, eh! Ha! Ha! Ha!” tawa niya.
“Kasi, alam ko, kung meron talaga, sasabihin ng anak ko. Hindi ko kailangang magtanong.
“Mga anak ko, magsasabi ‘yon, hindi ba? So, ‘pag walang sinasabi, eh ‘di wala! Ha! Ha! Ha!”
Ang sabi ni Ms. Coney nang tanungin namin tungkol sa magiging special someone ng 30-anyos niyang anak, “I’m not anxious about that because I know that God is preparing him and preparing somebody… kailangan ‘yung gusto ni Lord para sa kanya talaga at saka ‘yung swak talaga,” sambit pa ng “Love of My Life” star.
Kontrata ni Nadine huhusgahan sa korte
Legal na usapin ‘yung isyu ni Nadine Lustre laban sa kampo ng Viva na kabanggaan niya ngayon, kaya isa si Atty. Ferdinand Topacio sa chinika ng press sa 2020 Vision event ng Viva para hingan ng opinyon hinggil dito.
Ayon kay Atty. Topacio, maliwanag na may kontrata si Nadine sa Viva at sa ilalim ng batas ay hindi puwede na ‘yung isang party ay bigla na lang magsasabi na wala na silang kontrata.
Dapat daw ay mutual agreement at kung may problema man sa kontrata, dapat dalhin ito sa korte at hayaan ang court na mag-decide tungkol dito.
Doon naman sa linya ng abogado ni Nadz na ‘unconscionable, oppressive and illegal’ umano ang kontrata nito sa Viva, nasa kampo raw ng aktres ang burden of truth o sila ang dapat magpatunay nito sa korte.
“Hindi puwedeng ikaw lang. Kasi, kontrata ‘yan, eh. Sagrado ‘yan, eh. Otherwise, bakit nagkontrata ka pa if later on, after 2 days, 2 months, 2 years, 10 years sasabihin mong wala nang kontrata, mali ang kontrata.
“Kasi, ang presumption ng batas, ‘pag ikaw ay pumirma ng kontrata, ‘yan ay #1 naiintindihan mo, #2 ‘yung terms and conditions diyan ay pumapayag ka, #3 ‘yan ay freely and voluntarily at #4 ‘yung mental condition mo ay naiintindihan mo ‘yan at hindi ka nalinlang.
“Ngayon, kung sinasabi mong hindi gano’n, prove it in court. But you cannot just say by yourself that the contract is void. Wala po sa batas ‘yon. Kalokohan ‘yon!” sambit pa ng JaDine fan na si Atty. Topacio.