Ang ganda ng mga sinabi ni Ms. Dina Bonnevie tungkol kay Ms. Coney Reyes, na once upon a time ay nakasamaan niya ng loob dahil kay Vic Sotto.
Dati silang magkaibigan na nasira ang friendship dahil sa isang lalaki, tapos eventually ay naibalik din ang friendship nila at si Ms. Coney pa ang naging dahilan kaya lalong lumalim ang pagiging Christian ni Ms. Dina.
“Tapos na ‘yon and we’re good friends. All I can say is I admire her. I admire the way she raised her son, Vico. I admire the boy, he’s very intelligent.
“And I admire the way she really changed her life. Like now, she’s devoted her life to the Lord. I mean, nagsu-showbiz siya pero kumbaga, she stands firm on her ground na I’m a Christian and these are my beliefs, gano’n.
“Basta, proud na proud ako sa kanya na naitaguyod niya si Vico kahit nag-iisa lang siya. And hindi lang ‘yon, she doesn’t stop. She continues to speak in church, nagte-testimonial siya, she shares her experiences.
“So, parang feeling ko, nangyari sa amin ‘yung nangyari sa amin because God is going to use us in wonderful ways, in great ways, maybe to help other women. I’m sure,” nakangiting pakli ng batikang aktres.
Past is past na talaga dahil maging ang mga anak ni Ms. Dina na sina Danica at Oyo ay ang ganda ng relasyon ngayon sa half brother and half sister ng mga ito na sina Vico at Paulina.
“Before siyempre, ang mga anak ko, ayaw rin nila sa half brother and sister nila but God changes your heart when you become a Christian. So, tinanggap nila ‘yung mga kapatid nila and now, they’re like one big family.”
Ang cute din nu’ng kuwento ni Ms. D na baby pa si Vico nu’ng unang ma-meet niya dahil dinala ito sa kanya noon ng Vic sa bahay.
“‘Yung maliliit na damit ni Oyo, binigay ko sa kanya (Vico), ‘yung mga nursery books ni Oyo, binigay ko, ‘yung mga toys na ang dami-dami kasing toys ni Oyo, binigay ko sa kanya. ‘Yun.
“Tapos parang Vic was saying, ‘Sorry sa nagawa ko, but this is my son.’ Pinakilala niya sa akin. Okey na.
“For a while, si Vico, ‘pag nakikita niya ako sa church, umiiwas siya. Parang he didn’t wanna see me kasi baka raw I’m reminded of the sin.
“Sabi ko, ‘No, it’s not your fault. It was never your fault, so don’t feel that way.’”
Ngayong Mayor na ng Pasig si Vico ay hindi pa raw ito ulit nakikita ni Ms. Dina. Nakita niya ito bago ito nag-Mayor.
They go to the same church sa Victory, pero umaga raw yata nagpupunta si Vico habang sila ay tuwing afternoon kaya hindi sila nagtatagpo.
‘Pag sumobra ang Vice-Ion lambingan: ABS-CBN ipapatawag ng MTRCB
Nakatsika namin kahapon si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Rachel Arenas.
Natanong si Chair Rachel kung anong masasabi niya sa inaangal ng iba sa social media at online na diumano ay sumosobra na sa kaswitan ang magdyowang Vice Ganda at Ion Perez sa “It’s Showtime”.
Mula nang maging open daw kasi ang dalawa sa kanilang relasyon ay tila sobra na raw ang mga ito kung maglambingan at magpakita ng sweetness on national TV.
Ayon sa MTRCB chief, sina-summon nila ang network kung may natatanggap silang report o comment na tingin ng iba ay hindi nararapat ipalabas sa telebisyon.
So far ay wala pa naman daw silang natatanggap na reklamo tungkol doon, pero kung meron ay ipapatawag daw nila ang network dahil hindi nila babalewalain ang reklamo ng mga manonood.
Sa tanong kung anong personal na opinyon niya sa relasyon nina Vice at Ion na hayagang inilalantad ng mga ito sa noontime television, ang sagot ni Chair Rachel ay may board members siya na nanonood ng mga programang tulad no’n.
Aniya, automatic na nilalagyan ng SPG rating kung sa tingin ng mga ito ay merong SPG material. At ‘pag ganu’n, dapat daw ay hindi iiwan ng mga magulang ang mga bata the whole time habang nanonood ng TV.
“I say that we, us, we respect the LGBTQ community but siyempre, if the viewers feel na it’s too much, of course we will call on them.
“But if I say kasi my personal take on it, it will affect kasi ‘yung decision nu’ng nag-review. And ako kasi, I always respect kasi the decision who review whatever movie that is or whatever episode that is or whetever teleserye that is.”
Puwede raw nilang bigyan ng seminar ang network ‘pag napatunayang may sumobra nga na hindi na kaaya-aya sa tingin ng iba.
Hindi raw naman kasi sina Vice at Ion ang responsable roon kundi ang mismong network.
Warning daw muna sa simula, tapos ‘pag nasundan pa ay mas mabigat na ang penalty.
Samantala, nang mahingan namin ng opinyon sa pinag-uusapang franchise renewal ng ABS-CBN, ang dayalog ni Chair Arenas ay, “Itatanong n’yo talaga ‘yan sa akin? Ako, sa palagay ko, kung anuman ‘yan, the truth, it will go through the legal process.”
Pero sa pagkakakilala niya kay Presidente Duterte, may chance ba na magbago ang isip nito?
“Talaga? Picture na lang tayo!” paiwas na sagot sa amin ng butihing MTRCB chief.
PAK!!