Dala ng matinding galit sa inaabot na bashing ng kanyang kasintahan sa kabila ng pagiging biktima nito, rumesbak ang nobyo ng 19 anyos na singer sa Cebu na biktima ng umano’y sexual assault ni Tawag ng Tanghalang grand champion Noven Belleza.
Sa nalathalang ulat ng PEP kahapon, kinonsensya rin ng nobyo ng biktima si Belleza na bagama’t hindi nito binanggit ang pangalan ay mahahalatang tinutumbok nito ang singer, nang sabihin nitong inasikaso nang maayos nang magpunta sa Cebu pero iba ang iginanti nito at pinalabas pa umanong kasinungalingan ang akusasyon.
“Gamitin mo na lahat ng pwede mong gamitin. Makulong ka o ang Diyos na ang bahala sa ‘yo.” Bahagi ng mga nakaposteng mensahe ng nobyo ng biktima, na sadyang hindi pinangalanan, sa FB account nito sa wikang Bisaya na isinalin sa Tagalog.
Ayon pa sa nobyo, matinding trauma umano ang inabot ng kanyang kasintahan sa pangyayari, idagdag pa ang matitinding bash na inaani nito sa mga netizens at napagplanuhan na rin umano ang lahat ng kasinungalingan sa ospital pa lang. (Maaalala na isinugod sa ospital si Belleza dahil sa paninikip ng dibdib nang arestuhin ng mga alagad ng batas).
Maging ang mga bashers ay pinalagan ng nobyo. Hindi umano alam ng mga bashers ang totoong pangyayari kaya sana ay tumahimik ang mga ito.
“Isa lang ang sasabihin ko sa ‘yo at sa mga taong dumidepensa sa ‘yo, Diyos na ang bahala sa inyo!” makahulugang mensahe pa ng nobyo ng biktima sa FB account nito.
payat yun 1 million o pakulong ka na
peria pera lang yan NOven bigyan mo na agad agad ng 50k para manahimik na mga yan,,balatuhan mo na, agad