Victolero aminadong astig ang Rain or Shine

VICTOLERO AMINADONG ASTIG ANG RAIN OR SHINE

Napakawalan ng Magnolia ang naipundar na 21-point lead sa second half, pero kumapit sa dulo para ipreserba ang 94-91 panalo kontra Rain or Shine Lunes nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sinikwat ng Magnolia ang huling dalawang laro, bigla ay nagkaroon ng tsansa sa PBA Philippine Cup semifinals best of seven series. Babasagin ng magkatunggali ang pagkakabuhol sa tigalawang laro mamaya sa Cuneta Astrodome.

Ayon kay Chito Victolero, ang karanasan ng Hotshots ang nagdala sa kanila sa panalo. Na-pressure nang malusaw ang 80-59 lead, pero hindi bumigay ang Magnolia kahit nang dumikit ang Hotshots, 92-91.

“We just tied the series,” giit ng Hotshots coach. “It boils down to a best-of-three. Happy and proud of the players, they stepped up big.”

Ipinasok ni Jio Jalalon ang pressure-packed free throws sa final 3 seconds para ilayo sa tatlo ang Hotshots, bago ku­mabyos ang panghatak-overtime sanang 3-pointer ni James Yap sa huling posesyon ng RoS.

Nasa isipan ng Hotshots na babalikwas ang Elasto Painters.

“Hinintay namin (comeback), but the thing is, we held on to our lead,” wakas ng coach. “Hindi madaling kalaban ang Rain or Shine. But a win is a win, whether it’s 20, three or one, I will take it. It’s a series.”

Muli si Ian Sangalang ang bumitbit sa Hotshots sa kinamadang 19 points at 10 rebounds. Nagdagdag si Paul Lee ng 15 points, tumapos si Jalalon ng 12 points, 4 rebounds at 4 assists.(Vladi Eduar­te)