Victolero, Guiao basagan

Parehong importante sa NLEX nina coach Yeng Guiao at Magnolia counterpart Chito Victolero ang pagtatapat sa huling araw ng eliminations ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

First game ang 4-6 Road Warriors at 5-5 Magnolia, bago ang bakbakan ng 4-6 NorthPort at 7-3 Ginebra.

Puwedeng malaglag sa No. 7 ang Magnolia kapag natalo sa NLEX at nanalo ang Ginebra. Kailangang manalo ang team ni coach Chito Victolero para makaiwas sa twice-to-win handicap laban sa No. 2 Rain or Shine (8-3) sa quarterfinals.

Kapag natalo ang NLEX ni drillmaster Yeng Guiao, malalaglag sa 4-7. Kung sasabayan ng panalo ng NorthPort ay aangat sa 5-6 ang Batang Pier sa No. 7, magbubuhol ang Road Warriors at Alaska (4-7) at magkakaroon ng playoff para sa eighth at last spot.

Sakaling matalo din sa Magnolia, mananalangin ang NLEX na manalo ang Ginebra sa second game. (Vladi Eduarte)