para makahigang 3-1 lead
Finals Game 4 bukas:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm — Magnolia vs. SMB
(Hotshots lead series 2-1)
Ginamit ng Magnolia Ang Pambansang Manok ang alam nilang tanging masasandalan para makasabay sa powerhouse na tulad ng San Miguel Beer – depensa.
Kapit-bisig muli ang Hotshots, at naitakbo ang 86-82 win laban sa Beermen noong Linggo tungo sa 2-1 lead sa PBA Philippine Cup Finals.
“We were more aggressive, we dictated the tempo,” bulalas ni coach Chito Victolero sa postgame news conference sa Smart Araneta Coliseum. “We dictated the defense and I think that’s the key.”
Sa kabuuan, 28 of 85 lang mula sa field ang Beermen, 10 for 43 mula sa 3-point range. Pinaghirapan nang husto ni June Mar Fajardo ang kanyang 17 points mula sa 4 of 11 shooting, bulto ng kanyang puntos ay mula 9 of 10 shooting sa free throw line. Nakapagbaba pa rin ang five-time MVP ng 14 rebounds pero may 6 turnovers.
“Gaya ng sabi ko, if we limit them under 100 points, ‘yun na,” dagdag ng Magnolia coach. “If we go to our game, which is a defensive game, we’ll have a chance.”
Sa kabuuan, kontento si Victolero sa performance ng kanyang team dalawang araw matapos ang 101-108 defeat sa Game 2.
Ang importante raw ay hindi mawala ang identity nila.
“Every game ‘di kami dapat mawala du’n sa strength namin, which is defense,” paliwanag pa ni Victolero. “Kasi nga, we’re No. 1 in that category so kailangan lang namin gawin ‘yun consistently. ‘Yung offense namin, everybody can score, eh. Minsan may mga off night ‘yung iba, but other guys can step up.”
Si Mark Barroca ang nanguna sa step up, tumikada ng game-high 22 points – 10 rito sa third quarter nang dumistansiya ng 12 ang Hotshots. Nang dumikit ang Beermen 82-79, apat na free throws pa ang kinana ni Barroca para manatili ang team sa unahan.
Tulad ng dati, maangas pa rin si Ian Sangalang sa dinagdag na 17 points at 15 rebounds, si Rafi Reavis ay tumapos ng 16 at 15 habang binubulabog si Fajardo.
Game 4 ng best-of-seven sa Big Dome din bukas. (Vladi Eduarte)