Sa pagtatapos ng fantaseryeng Victor Magtanggol ngayong gabi bigo pa rin nitong matibag sa numero unong puwesto ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ng primetime king na si Coco Martin.

Ang fantaserye na ito ni Alden Richards ay umere lamang ng mahigit tatlong buwan subalit hindi nito nau­ngusan o napantayan man lamang kahit sa pilot episode nito ang katapat na serye.

Hindi man tinantanan ng mga detractor si Alden sa kinahinatnan ng serye niya, ayon sa kanya, hindi umano mabubura ang kaligayahan niya na nakagawa siya ng ganitong klase ng serye na minahal at nagbigay inspirasyon.

Plinano rin daw umano na palawigin pa ang serye subalit paglilinaw ni Alden, “Hindi na po kasi talaga kaya. Kinonsider ko po yun, nagplano po ako na o sige, kakausapin ko na ang mga boss. Gusto ko pong ma-extend hindi po para tumalo ng show, hindi para kumita ko kundi para sa mga tao.”