Sa ikatlong sunod na laro, hinagupit ng Perlas Pilipinas ang kalaban sa SEABA Women’s Championship.

Isinama ng Filipinas­ sa mga biktima ang Vietnam,­ 134-56, sa Bukit Serendit­ Indoor Stadium sa ­Malacca, Malaysia.

Ang newcomer na si Janine Pontejos naman ang umeksena sa Perlas Pilipinas­, off the bench ay nagpasabog ng pitong 3-pointers tungo sa 23 points. Last-minute subs­titute si Pontejos sa ­nagkasakit na si veteran Ewon Arayi.

Tatlo sa unang apat pukol ni Pontejos mula long range ang pumasok sa first half, apat pa sa fourth nang kumalas na ang Filipinas.

Ang huling 3 ni Pontejo­s ang nagbigay sa Perlas Pilipinas sa 129-54 sa final minute.

Pero para kay coach Patrick Aquino, ang depens­a ng team ang umangat.

“We won’t be having this easy if for those players who committed to play good defense,” ani Aquino. “I really like the effort we’ve shown on defense.”

Napuwersa ng Filipinas sa 45 turnovers ang Vietnamese na nai-convert sa 58 points.