Makakaasa ang Pilipinas na hindi mauubusan ng supply ng bigas matapos tiyakin ng gobyerno ng Vietnam ang pangmatagalang supply para sa bansa.

Nagkausap sa pamamagitan ng telepono sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc nitong Martes ng gabi at nagkasundong mas lalo pang paigtingin ang ugnayan sa paglaban sa coronavirus disease 2019,kasabay ang pagtiyak ng Prime Minister ng patuloy na pag-supply ng bigas sa bansa.

Nagkakaisa ng pananaw ang dalawang lider na dapat mapanatili ang sapat na supply ng pagkain at medical equiments and supplies para magtagumpay sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

” We assure you that Vietnam will continue to supply rice to the Philippineson a long-term basis at competitive prices,” ani Prime Minister Phuc.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang Prime Minister dahil sa ibinigay na commitment para sa Pilipinas.

Pinuri ng Presidente ang Vietnamese Prime Minister dahil sa epektibong paglaban sa COVID -19 at maaari aniyang magpalitan ng kanilang mga ginagawang hakbang ngayon laban sa pandemic.

Bilang tugon, pinuri din ni Phuc ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa komprehensibong mga aksiyon na ginagawa laban sa COVID -19.(Aileen Taliping)