Vigilante killings tinulugan ng PNP?

Mukhang tinulugan lamang umano ng Philippine National Police (PNP) ang kaso ng vigilante killings sa bansa dahil sa wala pa silang nareresolba kahit isang kaso man lang.

Kaya naman labis ang pagkabigla ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson nang malaman na wala pang nareresolba ang PNP sa kabuuang 681 vigilante kil­lings sa bansa.

Nagsagawa kahapon ang Senate committee on public order and illegal drugs ng public hearing sa panukala sa pagbuwag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) at hindi naiwasang tanungin ng mga senador si PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga gayundin sa mga insidente ng extrajudicial killings at vigilante killings.