Ipagpapatuloy ni Dennice Villamor ang ratsada sa limang panalo ng Zamboanga pagtapat sa Manila Stars sa main game ng mamaya 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims mamaya sa San Andres Sports Center sa Malate.
Kargado ng 4 na panalo ang Zamboanga Family’s Brands Sardines kaya determinadong salubungin ang hamon ng Stars na nasa ikalawang puwesto ng Group A North Division na may 15-3 kartada.
Pangunahing sandata ng Zamboanga sa alas-8:30 ng gabi si Villamor na halos maglista ng double-double 17 points at 7 rebounds makaraang sipain ang Marikina Shoe Masters para sa Group B fifth slot sa 12-8 mark.
Iaahon naman ni Jason Melano ang Batangas City Athletics (12-6) tungong winning column laban sa Cebu Sharks (7-10) sa alas-4 :00 ng hapon.
Tiyak na magpapasabog muli si Melano mula sa nakaraang bakbakan na kayod na 22 points at 14 rebounds upang makahirit muli
Magkikita rin ang Makati Super Crunch (15-3) at Navotas Clutch (5-11) sa alas-6:30 ng gabi. (Aivan Episcope)