Tiyak umano wala nang maniniwala kay Health Secretary Francisco Duque III kasunod nang pagbawi nito sa kanyang naunang pahayag na nararanasan na ang second wave ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas, ayon sa mga senador.
“Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit dahil hindi na natin alam kung pinag-iisipan ba ng husto o hindi ng kalihim ang kanyang mga sinasabi. Sino pa maniniwala sa kanya gayun at walang isang salita bilang expert,” ayon kay Senador Francis Pangilinan.
“Kahapon puti. Ngayon itim. Bukas kaya pula ba?” dagdag pa nito.
Dismayado rin si Senador Joel Villanueva sa paiba-ibang pahayag ni Duque tungkol sa estado ng COVID-19 pandemic sa bansa.
“Sec. Duque’s statement on the COVID-19 pandemic in the country changes like the weather. His statements have become unreliable and incredible,” sabi ni Villanueva sa kanyang text message.
“I am worried about our handling of the pandemic if the person in charge is more confused than the rest of the country,” ayon pa sa senador.
Bukod sa ‘flip flopping’, sinabi ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na ang pinakamahalagang isyu ay ang competence at integrity ni Duque.
“More than his flip flopping, the more important issue is the competence and integrity of Sec. Duque,” ayon kay Lacson.
Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, inihayag ni Duque na nasa second wave na ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas subalit binawi niya at sinabing ‘first major wave of sustained transmission’ pa lang ang nangyayari sa bansa. (Dindo Matining)