Villanueva sa mga LGU: Gayahin ang Makati, POGO i-ban

Pinuri ni Senador Joel Villanueva ang Pamahalaang Lokal ng Makati City matapos magpatupad ng indefinite moratorium sa pag-isyu ng mga bagong business license at permit sa mga service provider ng mga Philippine Offshore Gaming Ope­rator (POGO).

Bagama’t nakadagdag aniya ng kita ang paglago ng industriya ng POGO, nagresulta naman ito sa pagtaas ng kriminalidad sa bansa, partikular sa Metro Manila.

“Revenues earned from this sector only end up funding crime-prevention efforts of police, who run after prostitution and human trafficking dens, among others.

“Instead of channeling these scarce resources to social welfare programs and services, such as improving the quality of education, greater subsidy for health needs, and training for skilled worker­s,” dagdag pa nito.

Umaasa si Villanueva na tutularan ng iba pang mga lungsod sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ang ginawa ng Makati. (Dindo Ma­tining)