Villarias tinapyas ang QC

Marlins nilunod ni Melencio, Strikers

Nagbaon si John Bryron Villarias ng triple-double, 22 points, 11 assists at 10 rebounds – upang ­banderang tapos na malaslas ng Bataan Risers ­Camaya Coast ang Quezon City Capital Wemsap, ­79-73, sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims Miyerkoles nang hapon sa Alonte Sports Arena, Binan City.

Bakas pa ng tig-16 markers sina Jose Mari ­Presbitero at Aldred Ryan Batino para sa fifth straight win at angat sa 12-8 win-loss record para saluhan sa Group A North Division seventh place ng Risers ang Pasay Voyagers.

‘Di naman umubra ang twin-twin job nina Ramon Mabayo at Clark Derige na 17 markers at 10 boards, at tig-12 pts. at rebs., ayon sa pagkakasunod, para sa QC na humaba ang kalbaryo sa tatlo at malaglag sa ika-11 puwesto sa nasabing grupo.

Pinakamalaking naispote ng Bataan sa larong dominado ang 16 na puntos. (Aivan Episcope)