Villavende bibigyan ng hustisya

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kanilang bibigyan ng ayuda ang pamilya ni Jeanelyn Villavende hanggang makamit nito ang hustis­ya sa pagkamatay sa kamay ng kanyang amo sa Kuwait.

Ipinahayag ito ni Fo­reign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. nitong Miyerkoles sa pamilya ni Villavende bago dumating ang mga labi nito kahapon.

Nabatid na kumuha ang Office of the Undersecretary for Migrants Wor­kers’ Affairs at ang Philippine Embassy sa Kuwait ng mahusay na criminal lawyer para hawakan ang kaso ni Villavende.

Pinagkalooban din ng DFA ng P100,000 tulong pinansyal ang pamilya Villavende.

Dahil sa pagkamatay ni Villavende, nagpatupad ang pamahalaan ng partial deployment ban sa Kuwait, partikular ang mga bagong household service wor­ker. (PNA)