NAGPAHAYAG ng approval si Vilma Santos sa remake ng Sinungaling Mong Puso sa afternoon prime ng GMA Network.
Ani Ate Vi, “Ang Sinungaling Mong Puso, isa ‘yan sa ginawa ng Regal Films na napakalaki ng kinita.
“At isa rin ‘yan sa mga paborito kong pelikula, kasi, ibang ibang klase ‘yung istorya…
“Ngayon, si Rhian (Ramos) ang gumaganap. I’m sure she’s good!
“Napapanood ko naman siya. I’m sure bibigyan naman niya ng justice ‘yung role.”
***
Pagkatapos ng pagkahumaling ng showbiz personalities sa Snapchat, heto na ang pag-ariba nila sa Instagram Stories.
Ito raw sana ang gamiting medium ng social media blogger icon na si Mocha Uson.
***
Nag-farewell episode na kahapon ang morning show ni Marian Rivera-Dantes na Yan Ang Morning.
Bakit ganu’n?
Parang Brunch nina Bing Loyzaga at Michelle Van Eimeren lang ba ang impact ng show na ito ni Marian na GMA Primetime Queen?
***
Tuloy ang mga makabagbag-damdaming tagpo sa teledramang Sa Piling ni Nanay ng GMA 7.
Malditang tunay si Scarlett (Katrina Halili) kina Ysabel (Yasmien Kurdi) at Maya (Sofia Cabatay).
Kailan kaya makakapamuhay nang matiwasay ang magnanay?
***
Bisita sina Jak Roberto, Jay Arcilla, Arra San Agustin, Marlann Flores, Arianne Bautista at Barbie Forteza sa Bubble Gang ngayong gabi.
Sa BASA BASA PIK segment, may mga tanong si Michael V tungkol sa history ng Bubble Gang.
Ang hindi makakasagot ng tama ay mahuhulog sa dunk tank.
Mapapa-LOL ka naman sa parody ng Reporter’s Notebook.