BIDANG-BIDA nung Valentine’s Day sina Ian Veneracion at Batangas Congresswoman Vilma Santos.
Kung may bayad lang ang paglabas ng dalawang high-profile showbiz personalities kumita na sila ng milyon.
Ginamit na messenger Valentine graphics sina Ian at Ate Vi ng mga netizen para batiin ang kanilang mga friends, lovers and family members.
Si Ian ay ‘yung seconder video graphic niya na hawak-hawak ang bulaklak.
Cute at kilig ang mga babae at beki na pinadalhan ng v-graphic na ito, na animo’y sila talaga ang bibigyan ng bulaklak ng aktor.
Ang kay Ate Vi naman ay isang title caption na “Happy V Day”. Nilagyan ng photo ni Vilma ang V word para lang ma-emphasized ang name niya at idinikit sa Valentines.
Click na click sa mga Vilmanian ang humor na ito nung Valentine’s day.
Libo-libong netizen ang nag-enjoy sa kuwelang Valentine messages na ito ng dalawa.
Nadine naghahanap ng gulo
ANG social media ang pinakabugbog na bugbog na net site para idaan ang mga love messages ng mga stars sa kanilang mga sweethearts. Dito nalantad kung gaano kalaki ang love nila sa kani-kanilang mga kasintahan.
‘Yung kay Ryza Cenon makikita ang mahigpit na yakap ng kanyang boyfriend na si Pocholo Barretto habang nakaupo sila sa isang bamboo couch.
@iamryzacenon, “Salamat sa pagpapaligaya ng puso ko. Mahal na mahal kita. Happy Valentine’s Day mahal, @pocholobarretto.”
Grabe talaga ang kilig fever sa kanila.
“My forever” naman ang mensahe ni Heart sa asawang si Chiz. Pinoste nito ang magharap na photo nilang dalawa sa kasal.
@iamheart, “To my forever love, best friend, mentor, and the wind beneath my wings.. Happy Valentine’s Day I love our laughter, our joy, and our life. Tomorrow, we celebrate 3 years of being married.”
“Everyday is Valentine” ang caption ni Alex Gonzaga sa photo nilang dalawa ng non-showbiz boyfriend niya habang yakap-yakap niya ito.
@cathygonzaga, “Thank you for making everyday our own little Valentine’s Day. (Ayy wait except for the days pala we are both epal).
Gusto pang magkaroon ng gulo ni Nadine kasama ang kanyang boyfriend na si James Reid sa message caption nito sa larawan nilang dalawa na sa tabing dagat habang nakaupo siya sa puting buhangin at nasa ulunan niya ang nakayakap sa kanyang boyfriend.
@nadine, “I want all summer with you, boy lets get in trouble.”
Masugid na manliligaw ang caption ni Barbie Forteza sa video shot niya sa kasintahang si Jak Roberto na sinamahan pa niya ng photo kasama ang parents nang Kapuso actress.
@barbaraforteza, “Sa masugid na manliligaw ng mga magulang ko at nails spa buddy ko, Happy Balentayms.”
Pinaligiran ni Joshua Garcia ng mga red balloons at candle ang buong garden sa bahay ng kasintahan niyang si Julia Baretto at saka nag-set up ng dining para sa kanilang date.
Nalusaw nang todo si Julia sa pa-impress at effort ng boyfriend.
@juliabaretto, “Thank you for loving me the way you do.”
Nagpost pa si Julia ng ilan pang photo sa IG wall n’ya na binigyan siya ng flowers ng aktor at kasama nila sa dinner ang ina niyang si Marjorie Barretto.
Iba naman ang drama ni Aljur Abrenica na namigay ng mga red roses sa kanyang mga kasamahan sa location shoot ng serye nilang “Asintado” sa ABS CBN 2.
“Giving back” ang rason ng aktor sa pagbibigay ng mga flowers.
@ajabrenica, “Giving back and giving love to my Asintado co-stars and staff. Thank you guys and Happy Valentines day #asintado #HappyValentines.”
Dahil walang boyfriend ang pamilya na lang ni Angeline Quinto ang kasama niyang nag-celebrate ng Valentines sa Baguio.
Nagposte rin ng kuwelang video ang singer-actress sa IG wall nya na parang may kinakausap sa table. Kinuha pa ang flowers na inabot kuno sa kanya. ‘Yun pala ay wala siyang kasama.