Vilma tatakbong presidente ng ‘Pinas?

Allan Diones

Wala pa rin talagang kupas ang pagiging ma-PR ni Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Nang pumunta kami sa lamay ng kanyang nasirang ina na si Mama Milagros T. Santos sa Loyola, Parañaque nu’ng Thursday night ay naabutan namin si Ate Vi na aligaga sa pag-aasikaso ng mga bisita.

Nu’ng umupo sa mesa namin si Congw. Vi ay ang tagal niyang naki­pagchikahan sa amin. Ang saya ng huntahan dahil parang na-miss ding makichika-chika ng Star for All Seasons.

Aniya, dumating ang dalawang sisters niya ga­ling Amerika kaya kumpleto sila. Matagal-tagal na rin pala mula nang magka-dementia ang Mama nila, na later on ay naging Alzheimer’s hanggang sa naging bedridden na ito.

Ngayong umaga ang huling misa sa Loyola, tapos ay libing na. Cremated na ang mga labi ni Mrs. Santos nang iburol, so inurnment na ang magaganap.

Sa chikahan with Ate Vi, lahat ng tanong ay si­nagot niya tulad ng napapabalitang tatakbo siyang Presidente sa susunod na presidential elections.

“No, no, no, no. Mo­desty aside, I was asked to run thrice already as Vice (President). But no, I can only do things that I know,” bulalas ng sikat na aktres-politiko.

After Congress, saan pa ba siya pupunta kundi sa mas mataas na posis­yon, ‘di ba?

“Wala, no plans. Wala pa, wala pa. No plans.”

Paano kung may cla­mor talaga ang mga Pinoy na patakbuhin siya sa pagka-Pangulo?

“Oh my God! Hindi naman ganu’n kadali ‘yon. I mean, we’re talking about buong Pilipinas na ‘yan. Hindi ganu’n kadali ‘yan.

“Hindi, tapos kung priority mo ang family mo… sabi ko nga, kung sasabihin n’yong mana­nalo because Vilma Santos, ayokong maging unfair.
“Kasi halimbawa, may sakit ang anak ko, Vice President ka, may kalamidad, I’ll stay with my son. I mean you know…”

May balitang gustong gawan si Ate Vi ng pelikula ni Direk Joel Lamangan. Aniya, handa siyang gumawa ng movie with Direk Joel dahil napapanood daw niya ang mga pelikula nito (gaya nu’ng “Rainbow’s Sunset” last MMFF) at magaling daw ito.

Kaya lang ay hindi pa raw siya makakita ng materyal na gusto niya talaga. 2016 pa ang last movie niyang “Everything About Her” with Angel Locsin.
Natawa si Ate Vi nang sabihin naming at that time ay si Angel pa ang girlfriend ni Luis Manzano. Ngayon ay iba na, si Jessy Mendiola na.

“Basta masaya siya, bahala siya. Nandito sila kahapon,” natatawang bulalas ng aktres, na ang tinutukoy ay ang mag-sweetheart na Luis at Jessy.

“Mabait ‘yung bata (Jessy), in fairness. I don’t know, maybe she’s young, maybe because Lucky is more mature, baka du’n sila nagkakasundo. You get me?

“Merong isang mapagbigay, ewan ko kung ‘yung older o ‘yung younger. But they seem ano, masaya sila, nakikita ko. Even anak ko, nakikita ko masaya.”
Kulang na lang sa da­lawa, kasal hindi ba?

“No, sabi ko huwag nating i-pressure. Pero mautak naman si Lucky, eh. Sabi ko, ‘Son!’ Sabi niya, ‘Mom, don’t worry!’ Hindi siya magpapadala sa pressure.

“Sabi ko, ‘When you feel it, you know it’s the right time. Pero kung pini-pressure ka because nababalitang gusto ko ng apo; no, no, no, anak.’”
Magti-38 na si Luis sa April 21. Kaya hiniritan namin si Ate Vi na kailangan na talaga niyang magkaapo.

“Ayoko na. Ikaw, ipe-pressure mo na naman!” dayalog sa amin ng prem­yadong aktres.

Naku, baka naman mauna pang mag-asawa si Ryan Christian kesa sa kanyang Kuya Luis, ha?

Maya-maya ay lumapit sa amin si Ryan, so tinawag ito ni Ate Vi at ipinakilala sa mga nasa mesa namin.

Binanggit din niya na sinabi namin na baka mauna pa ito na mag-asawa at magkaanak kesa kay Luis.

“Hindi. Impossible!” nakangiting sey ng 23-anyos na si Ryan Christian, na ma-PR din at sanay humarap sa mga tao tulad ng kanyang inang seasoned actress at public servant.

Mga fan ni Bianca magsusumbong sa DepEd

Ang daming pinaiyak ni Bianca Umali sa episode ng “Sahaya” nu’ng Miyerkoles, na ibinulalas ni Sahaya kung bakit siya ang karapat-dapat maging valedictorian sa kanilang klase.

Ang galing ni Bianca at touching ang delivery niya, kaya maging kami ay naantig sa nasabing eksena.

Trending ang nasabing episode at bumuhos ang suporta at concern ng Kapuso viewers at netizens kay Bianca bilang Sahaya dahil hindi ito sumuko na ipaglaban ang kanyang karapatan na hiranging class valedictorian.

Kuhang-kuha ni­ya ang simpatya ng manonood na humanga sa kanyang lakas ng loob, paninindigan at pagsusumikap na magtagumpay sa kabila ng lahat ng humahadlang at bumabatikos sa kanyang pagkatao bilang isang Badjaw.

Touched naman ang Kapuso young actress sa mga papuri sa kanya. Nakakaiyak daw kaya abot-abot ang pasasa­lamat niya.

Nakakatawa dahil may isang netizen na nag-tweet kay Bianca na nagsumbong daw ito sa DepEd dahil masyado itong apektado sa nasabing eksena at hindi ito papayag na madaya si Sahaya!