Vilma umabante kay Nora sa National Artist

Kahit hindi lang naman siya ang nag-iisang artista kongresista, intense ang bashing at hating na tinanatanggap ni Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Bakit ng aba tila may concerted efforts laban sa Star For All Seasons? Mayorya ang hindi nagustahan ang kanyang posisyon sa anti-terrorism bill na before we know it eh magiging batas na dahil nga pirma na lang ni PDuts ang kailangan nito.

Mas urgent pa ito kesa sa mass testing para malaman talaga ang tamang datos tungkol sa pesting veerus at sa franchise moro-moro na ang mga bida ay pawang taga-Mother Ignacia station. May liwanag pa bang darating kung paulit-ulit rin lang naman ang mga argumento?

Sa true lang, marami ang in disbelief at disappointed sa kanyang posisyon na ”yes with reservations.” Ano iyon? Bakit may ganung premise?

Ang mga iconic niyang katauhan sa Mike de Leon’s Sister Stella L at si Amanda Bartolome sa Dekada 70, nabigyang buhay niya nga, yes na yes. Pero ang mga ipinaglalaban ng mga kababaihang ito, lalong-lalo na ang usaping pagkitil sa karapatang pantao, karapatan ng mga maliit at inaaba, at pagsikil sa kalayaan ng pamamahayag, hindi niya naman umano pala naisapuso. Inarte niya lang talaga kaya can we therefore conclude na mahusay siyang aktres? My gosh!

Ang importante nga ba kay Rosa Vilma ay ang political survival? Hindi ba so disheartening na she has become, sorry to say, a star for all seasoned politician?

Ang next set of mga Pambansang Alagad ng Sining, in two years, malalaman na natin kung sino. Pag si Vilma Santos-Recto ay hinirang na National Artist for Cinema, hindi na ako magtataka pa. Baka maunahan pa niya si Nora Aunor. Ang diva that you love, malalim na buntong hininga at tiim bagang na lamang ang magiging opisyal kong reaksyon. (Alwin Ignacio)