Vin, pasok sa ‘Flower’ ni Maja

Maja Salvador

HAVEY: With two possible films for the Metro Manila Film Festival na Moonlight Over Baler (with Elizabeth Oropesa among others, directed by Gil Portes) and Extra Service (with Jessy Mendiola, Arci Muñoz and Coleen Garcia, directed by Chris Martinez), Vin Abrenica’s momentum is here.

Ngayong umaga, gaganapin ang storycon at look test para sa kanyang­ bagong teleserye­ sa ­Kapamilya network — ang Wild Flower topbilled by Maja Salvador.

Vin was originally supposed to be part of an ensemble teleserye at ka-partner sana niya­ si Julia Barretto pero­ mukhang mas mauuna­ at mas promising ang kahihinatnan niya sa teleserye­ ni Maja.

Aside from Maja, makakasama ni Vin sina Joseph Marco, Aiko Melendez, Sunshine Cruz, Tirso Cruz III, Wendell Ramos at Joem Bascon.

Things are looking good for Aljur’s brother na hindi ko alam kung susunod sa yapak ni Kris Bernal sa paghahanap ng better options.

Another blessing that has come to Vin is for him to be handpicked by Direk Chito­ Roño for his next personal ­indie project.

Vin Abrenica
Vin Abrenica

Hinihintay pa ang ibang makakasama ni Vin sa project na ito na naka-set in Direk Chito’s hometown sa Samar, pero nakapag-camera test na sila nina Lou Veloso at Bibeth Orteza.

At least, with all these opportunities na nagbubukas for Vin, he can be well sustaining kahit na-evict na siya sa bahay ng Kuya Aljur.

***

WALEY: Naawa ako kay Kris Aquino sa sinapit niya kay Presidente Digong sa Davao noong Biyernes.

Sabi nga, EPIC SNUB.

While showing that she is a real PRO, nakita ng mga nakatrabaho ni Kris ang frustration sa mukha niya habang nakahawak kay Boy Abunda sa backstage sa FB live cove­rage. But Kris tried to put up a brave front.

Medyo uncalled for ‘yung akala niyang cute na remark tungkol sa pagpapapayat niya at pinaghandaan ang encounter nila ni Presidente­ Duterte.

Kung sinisita ng mga kababaihan at progresibo ang sexist jokes ni Presidente Digong tungkol sa legs at tuhod ni VP Leni, hindi na sana ­ginawang joke ni Kris (sa sarili niya) ang tungkol sa pagpapaseksi at ang pagpaparinig na sana ay makuha siyang mahalin ni ­Presidente Digong.

Hindi na sana kaila­ngan ni Kris ang ganitong klaseng ingay (at kahihiyan) para lang maging relevant.

She is already a very accomplished host and celebrity. She should stick to her excellence and goodness.

Sabi nga, lessons have to be learned here.

Pana-panahon lang iyan!

***

For your comments, ­opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoel­ferrer.