NOONG Biyernes nang gabi nagkaroon ng belated birthday party si Ruffa Gutierrez sa Paper Moon Manila sa Makati City.

Noon pang Hunyo 24 ang birthday ni Ruffa at nag-out of town sila ng boyfriend na si ­Jordan Mouyal.

Hindi na sana magpapa-party si ­Ruffa dahil busy rin siya lately, pero hindi puma­yag ang Cosmo Skin big bosses na sina Niño ­Bautista at Red Gatus na lumipas ang birthday month ni Ruffa na walang seleb­rasyon.

Nagsabi sila sa TV host/actress na sila na ang bahala sa birthday party nito.

In fairness to ­Ruffa, first time na nauna ­siya sa mga bisita niya sa pa-­party niya noong ­Biyernes.

Sobra kaming nagulat na hindi LATE si ­Ruffa, ‘noh?!

Eh ang tindi ng traffic noong Biyernes dahil sa sobrang lakas ng ulan, kaya marami sa mga bisita ni Ruffa ang na-late ­including her parents, Eddie Gutierrez and Annabelle Rama na nanood pa yata ng La ­Luna Sangre bago nagpunta sa party.

Sabi ni Tito Eddie, “Grabe ang traffic kaya kami na-late!”

Dumating sa ­party ni Ruffa ang mga kaibigang sina Alice Dixson at Donita Rose na parehong dateless. Wala ring ka-date si Vina Morales.

Nakita rin namin sa party ni Ruffa ang mag-asawang Anthony Pangilinan at ­Maricel Laxa, pati ang New York-based na si Graciaaaa na DONYA ang tawag namin dahil napakayaman na!

Siyempre, naki-party rin kay ­Ruffa ang mga anak na sina Lorin at Venice, ilang ­socialite-friends including Cat ­Arambulo-Antonio, at Mother Lily Monteverde na never uma-absent sa mga party ng pamilya Gutierrez.

***

LORIN, RUFFA & VENICE
LORIN, RUFFA & VENICE

Inusisa namin ang panganay ni Ruffa na si Lorin kung ano ang wish niya sa kanyang nanay.

“Happiness and love!” bulalas ni Lorin.

“Good future and lovelife!” ang wish naman ni Venice para sa kanyang nanay.

***

Si Bisaya, sinabing gusto pang ma­ging successful ang business ni Ruffa at sana ay patuloy sa pagganda ang career ng anak.

“Gusto ko na maging lalong maganda ang buhay ni Ruffa dahil single mom siya. Para patuloy niyang mapag-aral sa magandang school ang mga anak niya,” sey ni ­Bisaya.