WHILE vacationing in Tokyo, Japan, nagulat kami nang tawagan kami ni Marianne de Vera ng ABS-CBN Corporate Global Communications.
Ipapa-meet daw niya kami sa isang taga-TFC (The Filipino Channel) na staff nila sa Japan.
During breakfast, nakatsikahan namin si Chereneth Joy Perez ng sales department ng TFC Japan.
Sa kuwento ni Chereneth, going stronger ang TFC Japan katulad din ng iba pang TFC sa iba’t ibang parte ng mundo.
Dahil karamihan sa mga eksena sa Born For You nina Elmo Magalona at Janella Salvador ay kinunan sa Japan, napagkuwentuhan namin ang dalawang Kapamilya stars.
Puring-puri ni Chereneth sina Elmo at Janella dahil walang attitude ang mga ito.
At kahit noong nag-taping sila sa may Mt. Fuji na medyo natagalan dahil sa pag-i-snow, walang reklamo ang dalawa.
Pati ang mga Pinoy na based sa Japan na dumalaw sa iba’t ibang locations ng Born For You ay puring-puri ang bagong Kapamilya loveteam dahil very accommodating ang mga ito sa fans na nagpapa-picture at autograph sa kanila.
Pati si Vina Morales na dinalaw naman ni Chereneth sa taping location sa Roppongi ay mabait din.
“Saka ‘yung mga Pinoy rito na subscribers ng TFC, lalong dumami dahil sa Born For You,” pagbabalita pa ni Chereneth.
***

Isa sa bagong Kapamilya stars na favorite ni Chereneth ay si Sarah Lahbati.
Palagi siyang nakatutok sa dance numbers ng lovey-dovey ni Richard Gutierrez sa ASAP.
Para kay Chereneth, napakagaling sumayaw ni Sarah.
Favorite din niya si Zion, kaya naman umaasa si Chereneth na makukuha ng TFC ang 4th season ng reality TV series ng Gutierrez family, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez, na kasalukuyang napapanood sa E!
‘Yung first three seasons ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ay hindi napanood sa Japan, pero ngayon nga, naayos na ‘yon at katulad sa Korea at China, ipinalalabas na rin doon ang nasabing show!