Nagbahagi ng ilang behind the scene snaps ang Kapamilya actress na si Shaina Magdayao sa kanyang social media account. Napansin ng mga netizens ang kanyang sexy body.

Nag-share siya ng pagbabagong ginagawa niya sa sarili para ma-achieve niya ang goal niyang healthy lifestyle.

Conscious na raw siya ngayon sa kanyang kinakain at more than a year na mula nang tumigil siya pagkain ng meat.

Kasama na rin dito sa regimen niya ang pag-eehersisyo, sapat na pahinga at pag-iwas sa stress.

Marami ang na-inspire sa kanyang bagong aura lalo na ang kanyang mga follower.

Katunayan may mga nagpu-push na i-maintain lang daw ni Shaina ang kanyang sexy body at lifestyle dahil marami siyang mai-inspire.

May mga kati-katera namang nagsabing okey lang na panatilihin niya ang kanyang pigura as long na hindi niya gagayahin ang kanyang Ate Vina na may masel at maskulada dahil definitely hindi raw ito babagay sa kanya.

Si Shaina ay bida sa IWant Original series na “Past, Present, Perfect”. (Archie Liao)