vina-daniel
          Daniel, inaanak ni Vina

ANG magtiyuhing Ro­bin at Daniel Padilla ang highlight ng 30th anniversary concert ni Vina Morales na Vina at Thirty nu’ng Biyernes nang gabi sa Kia Theatre sa Araneta Center, QC.

Unang lumabas si Daniel na sinalubong ng malakas na tilian ng audience.

Miss na Miss Kita (ng Father and Sons) na theme song ng Ro­bin-Vina movie na Ang Utol Kong Hoodlum 2) ang inawit ng Kapamilya heartthrob.

Ninang pala ni Daniel si Vina, na ex-girlfriend ng kanyang Tito Robin.

Napaka-gentleman ni Daniel na sinundo pa si Vina na galing ng backstage at inalalayan papunta sa gitna ng stage.

Muntik magka-wardrobe malfunction si Vina, na natanggal ang pang-ipit sa suot nitong dress, kaya bumalik ito ng backstage bago ito mahubaran.

Natatawang inalala­yan pabalik ni DJ ang kanyang Ninang Vina, tapos ay kumanta ulit siya ng ilang linya ng Miss na Miss Kita habang ina­ayos sa likod ang damit ni Vina, na sinabayan ang pagkanta ni DJ.

Ikinatuwa ni Vina ang paggi-guest ng kanyang inaanak na si Daniel sa concert niya.
Mukhang malapit si DJ kay Vina, na kaibi­gan din ng madir nito na si Karla Estrada.

Parte pala ng pag-entra ni Robin ‘yung mai­ngay na lalaki sa audience na parang lasing at kung anu-anong sinasabi.

May drama pang pa­putok ng baril at hinuli kunyari ang lalaking la­sing o adik kuning.

Hiyawan paglabas ni Binoe sa stage na kinantahan si Vina ng Pers Lab, na theme song ng 1991 blockbuster movie nila na Ang Utol Kong Hoodlum.

Very Robin ang pagkakabanat ng action star sa nasabing kanta, na parang nagsasalita lang ito o tumutula.

“Bin, na-miss kita,” nakangiting sey ni Vina sa kanyang ex-boyfie.
Hindi kumpleto ang selebrasyon ng 30th year ni Vina sa showbiz kung wala si Robin.

Tinanong ni Binoe kung nandu’n ang boyfriend ni Vina. Nang sabihing wala roon, ang sabi nito ay ang ganda-ganda ni Vina dahil mahal talaga nito ang pagkanta.

“Anytime. Kung kailangan mo ako, darating ako,” ang sabi ni Ro­bin nang magpasalamat si Vina sa paggi-guest niya sa concert nito.

***

shaina-ceana-vina
Shaina, Ceana at Vina (Photo by Boy Borja)

Cute din ‘yung portion na kumanta ang mag-sister na Vina at Shaina Magdayao kasama ang 7-year-old daughter ni Vina (kay Cedric Lee) na si Ceana.

Medyo na-tense si Shaina dahil pinakanta siya sa concert ng ate niya, sana raw ay pinagsayaw na lang siya. In fairness ay nasa tono si Shaina.

Someone’s Waiting for You ang kinanta nilang tatlo, na nagawang sumabay ng bagets na si Ceana sa kanyang Mommy at Tita Shaina.

Wala roon ang French boyfie ni Vina na si Marc Lambert, pero kasama ito sa mga pinasalamatan ng 40-anyos na singer-actress.

Sa edad niyang ‘yon ay ang sexy pa rin ni Vina, na nag-diet at nag-workout para sa kanyang concert.

And after 30 years ay wala pa ring kupas ang magandang boses ni Vina, na bigay na bigay pa ring mag-perform at hataw kung sumayaw.

Bale birthday concert na rin ang Vina at Thirty na produced ni Pops Fernandez dahil 41st birthday ni Vina today, October 17.

***

Si Mr. M (Johnny Manahan) ang direktor ng concert ni Vina, na natagalang magsi­mula dahil sa pagbaha sa dressing room ng Kia Theatre na umapaw hanggang sa stage.

Nalubog sa tubig ang mga wire sa stage kaya delikadong magsi­mula agad.

Naglagay pa ng sandbags sa mga pintuan para pigilan ang pag-agos ng tubig sa entablado.

Kalerky ‘yung sa halip na magsi­mula na ang show ay may nagma-MOP pa sa stage!

And to think na wala namang ulan nu’ng gabing ‘yon, pero may pagbaha sa loob ng teatro, huh!

Ano ba ‘yan, Kia Theatre?! Ayusin n’yo ‘yang katsipang ‘yan!