PAGKATAPOS ng break-up ni Vina Morales sa kanyang French boyfriend, ready na siya ngayong makipag-date pero hindi siya naghahanap.

“I am ready. Ba’t pa ako magsasayang ng oras, di ba?

“Meron namang nagti-text, inviting me out. Pero titingnan ko muna kung seryoso ba ito,” pakli ni Vina nang nakapanayam ito sa Star Ma­gic 25th anniversary.

Hindi siya nagmamadali, dahil naniniwala siyang hintayin lang niya ang kung sino ang ibibigay ng Diyos na karapat-dapat sa kanya.

Sakaling ma-in love man siya, ayaw niya ng masyadong bata sa kanya.

Okay lang kung siya ang mas matanda pero huwag sanang kasing edad o mas bata pa kay Shaina Magdayao.

“Huwag naman masyadong young. Mas matanda naman kay Shaina dapat,” bulalas nito.

“Kung ano na lang yung perfect match from God, kasi kung ipipilit ko ‘yung gusto ko, it won’t work eh. Ayokong ipipilit ‘yung gusto ko. Kung ano ang gusto Niya sa akin,” dagdag niyang pahayag.

Nilinaw ni Vina na maayos ang break-up nila ng dating boyfriend. Hindi lang ubra ang long-distance relationship.

“Maganda ‘yung break-up namin. Sa edad na ‘to, hindi na bagay ‘yung nag-aaway-away.

“I’m sure everyone can relate and naintindihan ‘yung situation namin. It’s really hard.

“It’s either, you have to give up something here, or he has to give up something there.

Kailangan, swak kayo, eh.

“Kailangang pareho kayo ng desisyon sa buhay,” pahayag niya tungkol sa LDR (long-distance relationship).

Medyo matagal siyang nakapag-move on, pero ngayon ay ready na siyang ma-in love uli.

“I always believe na may forever naman. Me­ron talaga, nagka-delay-delay lang nang konti,” napangiting pahayag ng singer/actress.