Vina nagsimba matapos mahatulan si Cedric

abante-tonite-vina-morales1

Tila nagsimba si Vina Morales kinabukasan matapos lumabas ang hatol kay Cedric Lee na guilty ito sa salang kidnapping sa anak nila na si Ceana.

Nag-post si Vina ng la­rawan ng imahe ng krus last Tuesday at sa location niya ay naka-indicate na nasa St. Padre Pio of Pietrelcina Chapel siya sa Libis, Quezon City.

Sa kanyang caption ay nagpasalamat si Vina sa Diyos pati na sa kanyang lawyer na si Atty. Lucille Sering at nilagyan niya ng hashtag na #answeredprayer.

“Salamat po Panginoon Padre Pio, Mahal kong pamilya, Matatalik kong kaibigan at sa iyo Atty @lucillesering to God be the Glory #Answered Prayer# GodisGreat #thankful,” ang caption na inilagay ni Vina.

Matatandaang lumabas last Monday, May 28 ang ‘guilty’ verdict kay Cedrick sa kasong kidnapping na isinampa ni Vina noong 2016. Pinatawan ng korte ang ama ni Cena ng P300 na fine at pinagbabayad ng P50,000 moral at nominal damages sa aktres.

Marvin to Jolina: ‘Saksakan ka ng ganda’

Isa si Marvin Agustin sa mga nag-congratulate kay Jolina Magdangal sa panganganak ng aktres earlier this week.

Matatandaang nanganak si Jolens last Monday via CS (ceasarian section) sa 2nd baby nila ni Mark Escueta na pinangalanan nilang Vika Anaya. Ang panganay nila ay si Pele na 3 yrs. old na ngayon.

Nag-post si Jolens last Tuesday sa IG ng larawan niya habang nagpapa-sponge bath at sa caption, aniya, “Kahit magang maga pa ako lalo na ang mata ko dahil wala pa ako masyadong tulog, di na ako nahiyang magpost ng picture dahil sobrang sarap ng fee­ling ng mapaliguan. Nagpashampoo, at nagpa-sponge bath.

Sabi naman ng OB ko okay na ok naman daw. Di pa ako masyado makagalaw kaya talagang naginhawahan ako kanina.”

Sa comment section ay kaaliw ang pahayag ni Marvin na saksakan daw ng ganda si Jolens.

“Namamaga na ba to??? Eh parang ready na magshooting! Saksakan ng ganda! Happy for you labtim! Congratulations!!!” ang comment ng ex-boyfriend ni Jolens at dating ka-loveteam.

Ang daming MarJo (Marvin-Jolina) fans ang natuwa sa comment ni Marvin at iisa ang hiling nila – na sana raw ay ituloy na nila ang comeback movie nila.

Matatandaang last year pa inanunsyo na magba­balik-tambalan sina Marvin at Jolens sa isang pelikula under Star Cinema and in fact, na-present na sa kanila ang story at nag-look test na rin sila.

Kaso nga ay biglang nabuntis si Jolens kaya temporarily ay na-shelve ang project.

Ngayong nakapanganak na ang aktres, umaasa ang MarJo fans na matutuloy na finally ang reunion movie once na pwede na ulit bumalik sa trabaho si Jolens.