Sa kabila ng trahedya sa pagputok ng Taal Volcano, sadyang masayahin ang mga Pinoy at upang
aliwin ang kanilang mga sarili at iba pang mga evacuee ay rumampa ang mga bakwit habang suot ang mga donasyon sa kanilang mga damit.
Nagmistulang costume party ang mga eva-
cuation center nang isuot ng ilang evacuee ang mga natanggap na damit gaya ng mga uniporme sa paaralan, girl scout uniform, pati na rin ang mga damit pang-sikyo.
Mayroon ding nagsuot ng terno na makintab at tinawag pa siyang mayor ng mga tuwang-
tuwa at naghahagalpakang mga kasama niya sa eva-
cuation center, na tila sandaling nawala ang kalungkutan at problema sa sinapit na trahedya.
Agad namang nag-trending sa social media ang mga larawang ipinost ng mga bakwit na kinagiliwan ng mga netizen patunay lamang na sa kabila ng mga dinaranas na pagsubok ngayon ng mga nasa
paligid ng Taal ay nagagawa pa rin nilang magsaya. (Dolly Cabreza)