Viral coast guard sa inangkas na GF gigisahin

Iniimbestigahan ngayon ang isang miembro ng Philippine Coast Guard na nag-viral sa FB habang kaangkas ang kanyang girlfriend sa motorsiklo na isang paglabag sa physical distancing.

Sa ngayon, gumugulong na rin ang imbestigasyon ng Coast Guard Internal Affairs Service sa mga naging violation o paglabag ng mga ito at kung ano ang naghihintay na kaparusahan.

Ayon kay Coast Guard Commandant Vice Admiral George Ursabia sa report ng ABS-CBN News.

“As law enforcement officers, we should set the highest standard on compliance and cooperation to the whole-of-government efforts to curb the impact of COVID-19,” ayon kay Coast Guard Commandant Vice Admiral George Ursabia sa report ng ABS-CBN. (Riz Dominguez)