Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre, San Juan)
2:00 pm – Motolite vs BanKo
4:00 pm – BaliPure vs Chef’s Classic

Asinta pa rin nina Nieza Viray at Trisha Mae Paras na resbakan ang BaliPure Purest upang bigyan ang Chef’s Classics ng unang panalo sa 3rd PVL Open Conference 2nd round elims mamayang alas-4:00 ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Win-less pa rin sa 12 matches ang nasa ilalim na Lady Red Spikers kaya titiyakin nina Viray at Paras na pumalo nang maangas at maibawi ang four set loss sa 1st round sa 8th-running Water Defenders (2-10) nitong Agosto 31.

Pero atat din si Menchie Tubiera na patunayang ‘di tsamba ang unang pagsubsob sa Chef’s at makaahon din ang BP sa 7 sunod na talo sa midseason women’s volleyfest.

Sasandalan pa ni Water Defenders coach Rommel Abella sa alas-4:00 ng hapong paluan si team captain Grazielle Bombita para paghandaan ng team ang next round.

Salpukan din sa alas-2:00 ng hapon ang tumeterserang Motolite (7-3)-pumapanlimang BanKo (6-5). Pinalad sa last ang Power Builders habang inalat sa last 2 games ang Perlas Spikers. (Aivan Episcope)