Virginal sisters, parang sinapian

CYNTHIA?! Cinex Films itong mag-­sisterette sa showbiz na may something….

Something na attitude na hindi mo mahahalata sa ­ganda ng fez nila kapag sila’y nasa harap ng camera o nasa paligid ng mga tao.

Hindi makabasag-pinggan ang bawa’t kilos nila. Super-hinhin!

‘Tsura ng anghel sa pino ang kani­lang mga kilos at pananalita.

Sa isang event, mgkasama ang dalawa.

As expected, virginal ang peg nila ­dahil may mga people’s choice around the area of ­responsibility.

Lumalagapak na PO at OPO ang lumalabas sa mga bibig nila. Excellent ang Good Manners and Right Conduct.

Eto ka… enter the dragon na sila sa room.

Bigla ba namang nagtitili ang dalawa my ­patalun-talon pa with matching put… ina ang ­lumalabas sa mouth nila.

Eh my nakarinig na sekyu.

Binuksan ng jaguar ang pinto. Bumulaga sa kanya ang ang mag­kapatid na nagtu-twerk o nagta-­trumpets habang su­misigaw.

Hindi makapani­wala si kuya sa nasaksihan niya.

Ang ganda-ganda ng magkapatid, pero nang mga sandaling iyon eh parang nasapian ng ­diablo.

Ano?!

Sinaniban agad ng demonyo?

‘Di ba pwedeng sarap-sarapan lang sila sa paggiling at pagkanyod?

For all you know, ganu’n silang mag-­exercise!

***

Cynthia na naman! Sino itong komedyana na humihingi ng tulong ­dahil nagkasakit siya.

Hindi na siya maka­pagtrabaho kaya ask ­siya ng help sa showbiz people ­tulungan ­siyang magpagamot ­para ­gumaling siya at makapag-work ulit.

Naantig ang pusong busilak ng isang taga-TV (writer/segment produ).

Super-hingi ng tulong si TV writer sa mga friend pati na sa mga hindi masyadong friend.

Nang nakakalap ng datung, gora na si TV writer sa pugad ni ­komedyana.

Nagsama pa siya ng TV crew para kunan si komedyana at makahingi pa ng dagdag na tulong sa ibang kakilala.

Natapos ang chikahan at pag-turn over ng nali­kom na pondo.

Fly me to the moon na sila.

Mga 20 ­minutes na silang nakaalis nang mapansin ng isang crew na naiwan ang isang mikropono.

Bumalik sila sa pugad ng kome­dyana.

Shocked sila sa nadatnan.

Si komedyana, nakikipag-inuman na.

Wala silang choice kundi kunin na lang ang naiwang mic.

Umalis silang tahimik.

Maski sa loob ng sasakyan habang pabalik sa QC, tahimik lang sila.

Tahimik na nagmu­muni-muni.