Mga laro ngayon (Bukit Serindit Indoor Stadium)
4:00 p.m. — Thailand vs. Laos
6:00 p.m. — Singapore vs. Vietnam
8:00 p.m. — Malaysia vs. PHL

Huwag lang masisilat ang Perlas Pilipinas sa Indonesia kagabi, magi­ging virtual championship game na ang laro ng Filipinas kontra host Malaysia sa SEABA Women’s Championship mamayang gabi sa Bukit Serindit Indoor Stadium sa Malacca.

Kapag nalusutan ang Indonesians ay makaka-apat na panalo ang Filipinas, nakatatlong panalo naman ang Malaysians kaya importante ang bakbakan ngayon. Ang mananaig ay posible nang sumikwat ng titulo.

Para kay coach Patrick Aquino, biggest match ng torneo ang Malaysia.

Tinalo ng Pilipinas ang Malaysia sa Southeast Asian Games sa Singapore noong isang taon, pero yumuko ang Filipinas sa Malaysians sa 2015 FIBA Asia Women’s Championship.

“Malaysia is a team you want to emulate,” wika ni Aquino. “They’ve been together for so long. The program is solid, the sisytem is great and they have the strong support both by the association and the government.

Tambakan ang unang panalo ng Filipinas kabilang ang 147-point rout sa Laos.

Huling nagkampeon ang Pilipinas sa torneo noong 2010 sa Ninoy Aquino Stadium. Nasa team noon sina Cassie Tioseco, Melissa Jacobs at Nita Grajales, coach si Heidi Ong.