‘Virtual spakol’ lumala: Sex puwedeng dine-in, take out

Labis ngayon ang pag-aalala ng isang kongresista dahil ang mabilis at malaking pagbabago ng teknolohiya ang nagtutulak para lumala ang ‘virtual spakol’ o online prostitution.

Inihalimbawa ni Laguna Rep. Sol Aragones ang mga ‘spakol’ o massage parlor na nagbibigay umano ng extra service. Bukod pa rito ang ilang bahay-aliwan na front ng prostitution sa bansa kung saan direkta nang inilalako ang kababaihan na mistulang kalakal.

“Sa pamamagitan ng teknolohiya, parang fast food na ang prostitusyon; puwedeng dine-in, puwedeng delivery,” himutok ng kongresista.

Labis pang ikinalungkot ng lady solon na sa pamamagitan ng social media ay nabibili na parang isda at naidedeliber sa kostumer ang mga bayarang babae.
“May mga number pa ang mga babae. Behind a window — parang aquarium — a customer looks over the women, chooses the one he wants, and calls out her number. Parang nasa Dampa ka lang; pipiliin mo ang isda, lulutuin nila, at kakainin mo,” dugtong pa ni Aragones.

Ayon pa dito’y nauso umano ang ‘virtual spakol’ nang pumasok ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) kung saan sanrekwa ang mga babaeng dinedeliber sa mga POGO wor­ker. (JC Cahinhinan)