Virus nakapuslit sa Cotabato

Matapos ang higit sa dalawang linggong kawalan ng kaso o zero sa COVID-19 sa probinsya ng South Cotabato, muli itong nabahiran ng coronavirus.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health na may isa na namang naitalang kumpirmadong kaso ng virus sa lugar.

Ang huling pasyente, base na rin sa nilabas na situation report ng DOH ay isang 25-anyos na mula sa South Cotabato.

Sa ngayon ay nasa stable namang kondisyon na ang bagong pasyente at naka-isolate na.

Nabatid kay Reynaldo Tamayo Jr, gobernador ng South Cotabato na kapag nadagdagan ng isa pang kaso ng COVID-19 ang kanilang lugar ay muli nilang ipapatupad ang enhanced community quarantine.