Pinalagan ng Eastern Visayas bloc congressmen ang plano ng Department of Transportation (DOTr) na ilipat sa Clark International Airport ang biyahe ng eroplano mula sa Tacloban.
“This plan of DOTr is anti-poor and anti-people. This will aggravate the poor condition of Eastern Visayas,” pahayag ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na tumayo para sa mga mambabatas mula sa Leyte, Samar provinces, Biliran, Southern Leyte at mga party-list group na mula sa nasabing rehiyon na kinabibilangan ng An-waray at A-aangat Tayo.
Aniya, hindi lang mahihirapan ang mga pasahero mula sa nasabing rehiyon sa gagawin ng DOTr kundi papatayin din nito ang turismo sa kanilang lugar.
Bahagi ng planong pagpapaluwag sa air traffic sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang paglilipat ng Tacloban flights sa Clark International Airport.