Visible ang mga pulis

aksyon-kaye-box Kaye Dacer

Lumiliit na ang mundo ng mga masasamang elemento sa ating lipunan.

Malinaw na pruweba­ nito ang mabilis na pagresponde ng mga awtoridad sa ilang krimeng nangyayari sa ilang ­bahagi ng ating bansa.

Malinaw na halimbawa rito ay ang mabilis na pagkakaresponde sa panghoholdap sa isang sangay ng Unioil sa V. Luna sa Brgy. Pinyahan noong hatinggabi ng April 4, 2017.

Dalawang hindi nakilalang lalaki na armado ng baril ang nag-anunsyo ng holdap sa nasabing gasolinahan.

Tinutukan nila ng baril ang cashier ng Unioil para makuha ang pera sa kaha.

Pero dahil sa presensiya ng mga kagawad ng pulisya sa mga pampublikong lugar ay natiyempuhan ng mga miyembro ng QCPD-District Special Operations Unit ang komosyon at mabilis na rumesponde sa insidente.

Sinasabing nagkataon na ang mga pulis ay nagsasagawa pala ng surveillance operation sa lugar.

Walang inaksayang oras at panahon ang mga awtoridad at agad nilang tinugis ang mga holdaper na nagresulta sa kamata­yan ng mga armadong suspek.

Isa sa mga suspek ay nakorner sa Pinyahan ­Elementary School at nagtangka pang barilin ang mga pulis. Ang isa pang suspek ay pumasok naman sa loob ng Street Wise Bar and Restaurant, at bago pa ito makapang-­hostage ng customer ay binaril na rin ito ng mga pulis.

Ang insidenteng ito ay nagpapatunay lamang sa kahalagahan ng tinatawag na police visibility.

Ang presensya ng mga awtoridad ay tunay ngang mahalaga sa paglaban sa kriminalidad at sa pagtiyak ng mapayapang ­komunidad.

Kaya sa mga kagawad ng pulisya lalo na sa QCPD sa ilalim ng pamumuno ni Director Guillermo Eleazar at sa buong miyembro ng QCPD, kudos!

***

Ang sa akin kung nagagawa ito sa QCPD sana ay ganito rin kaagap ang mga miyembro ng pulisya sa iba pang distrito ng pulisya sa buong bansa upang sa gayon ay tuluyan nang malipol ang mga masasamang-loob na walang ginawa kundi­ mambiktima ng mga ­inosenteng indibidwal.

Naniniwala kaming malaking bagay na naki­­kita sa mga pampublikong mga lugar ang mga unipormadong pulis para magdalawang-isip sa paggawa ng kasamaan ang mga masasamang ele­mento sa ating lipunan.