Nalusaw na ang Low Pressure Area (LPA) na nagpapaulan sa Palawan habang isa nang bagyo na nasa Tropical Depression category ang isa pang sama ng panahon na namataan sa Min­danao, at inaasahan itong papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa weekend na tatawaging bagyong Samuel.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang LPA sa Puerto Princesa, Palawan ay inaasahang lalabas ng PAR sa Biyernes ng gabi.

Kung hindi umano magbabago ang kilos ng papasok na bagyo na huling namataan 2,715-km silangan ng Mindanao ay posibleng maghatid ito ng pag-uulan sa Eastern Visayas at Mindanao.

Ayon sa Pagasa, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot ng 45 kph, bugso na 60 kph at kumikilos sa bilis na 20 kph.