Viva Hot Babe Sheree game sa frontal nudity

Ang former Viva Hot Babe na si Sheree ay nakilala sa kanyang sexy image. Pero nang maging guest siya sa Tambayan ng Tsika, online show ng Abante Tonite sinabi niyang conservative talaga siya dahil laking probinsiya sa Bukidnon.

Palibhasa’y hilig ang pag-aartista, nakipagsapalaran si Sheree at lumuwas sa Maynila. Ang unang break daw niya ay nang naging cover girl siya ng FHM. Napasali rin siya sa play na ‘The Little Mermaid’. Sa TV naman, suwerte na nang nagpa-audition si Direk Maryo J. delos Reyes para sa kontrabida role sa GMA-7 teleseryeng ‘Habang Kapiling Ka’ ay nakuha si Sheree. Sa pelikula, ang unang pelikula ng aktres ay via Andrea del Rosario’s launching movie na ‘Lupe’.

Nadiskubre ni Patricia sa bundok

Itinuturing naman niyang guardian angel si Patricia Javier na siyang tumulong sa kanya sa pagpasok sa showbiz. “Na-discover po ako ni Ms. Patricia Javier sa bundok po, literal talagang sa bundok,” panimula niya.

“Sa isang pa-party ng mga sundalo, isa si Patricia sa kinuha nilang artista at ako ang front act doon. Siya ‘yung parang naging fairy godmother ko, nang lumuwas ako sa Maynila kay Patricia ako tumira,” dagdag pa niya.
Ang unang manager niya ay si Jessica Rodriguez, na siyang nagdala rin sa kanya sa Viva.

“So, kung may offer ulit na mag-nude, gagawin ko kapag worth it naman, artistic at makakatulong sa career ko.”

Nasarapan sa lips ni Jennifer

“Sa totoo lang, takot talaga akong magpa-sexy. Kaya sa mga project ng Viva na pa-sexy hindi lahat nakasama ako. Kasi kapag masyadong daring po, nilalagnat po ako at nagkakasakit ako.

“Pero ‘yung pinaka-grabeng nagawa kong vi­deo ay ‘yung Bosom Bodies with Jennifer Lee. Medyo may breast exposure ako roon, nagpasilip ng isang boob.

“Actually sa Bosom Bodies, kasi nga medyo conservative ako, kaya tuwing lalapit si Jennifer ‘yung mukha niya (para sa kanilang kissing scene), lagi akong humihingi ng tequila. Hanggang sa naubos na ‘yung isang bote, ako na ang nagpalapit sa kanya… masarap ang lips ni Jennifer.

“Medyo mahigpit po ang pamilya namin, lalo na po iyong lola ko. Iyon siguro ang naging hinder para huwag ako masyadong ma­ging daring. Nang lumabas ako sa FHM, medyo nagalit ang mommy ko at mga dalawang taon niya akong hindi kinausap. Pero nang nag-tour na ako sa US, very proud na sa akin ang mommy ko,” nakangiting saad pa ni Sheree.

Multi talented Artist

Bukod sa pagiging aktres, si Sheree ay isang singer, composer,­ DJ, pole dancer, at painter. “Painter po ako, at the same time, nagpo-pole dan­cing din ako.

“Actually, pangarap ko talagang mag-Fine Arts, kaso ang mommy ko, ang gusto ay maging nurse ako or other course. Hindi ko na-pursue iyon, kaya ang ginawa ko ay kumuha ako ng teacher from UP na sobrang galing talaga, si Art dela Cruz.

“Sa October 3 ay may exhibit kami sa Got Heart Gallery sa White Plains. Isa sa showbiz personality na makakasama ko sa exhibit ay si Bangs Garcia.

“Nagkaroon na rin ako ng dalawang single, ang Touch Me at Wait for Me under Viva Records and abangan nyo ang new music video ko, ang title is… puwede bang sabihin? Ang title ay “We Don’t Give A F-ck”, masaya itong music video.”

Sam Milby type ipinta nang hubo’t hubad

Nang usisain naman kung palaban bang mag-frontal nudity sa pelikula. Sagot niya,

“Oo naman po kung Hollywood film. Kung local, titignan ko iyong story, kung may katuturan naman po at makakatulong sa career ko, why not naman? Kasi siyempre, medyo matagal na rin po ako sa industriya at iyon na ang gusto kong career path, ‘yung kumbaga ay papunta na sa taas at hindi iyong parang nagsisimula pa lang.

“So, kung may offer ulit na mag-nude, gagawin ko kapag worth it naman, artistic at makakatulong sa career ko.”
Kung ipe-paint siya nang nude, sinong actor ang gusto niya. “Si Ian Veneracion, puwede po… Iyong tipong, ‘I want you to paint me, wearing only this,’ Hahaha! ‘Ian, nananawagan ako sa iyo, paint me wearing this,’ charot! Why not kung si Ian? Hindi ako alam na nagpe-paint pala siya.”

Si Sam Milby naman daw ang type niyang i-paint nang nakahubad. “Si Sam Milby, charot! Hahahaha, Wala lang, siguro I find him very behave masyado.”

Maiilang ba siya kay Sam kung nakahubad ito sa harap niya? “Nakahubad? Baka po manginig ang kamay ko, hindi ko pa kasi nararanasan mag-paint ng nude na model.”

Kung i-paint naman siya nang nude? “Kung ako ang ipe-paint, siguro po depende sa artist. Siguro kung one on one, siguro kung si Mr. Ben Cab ang magpe-paint, oo naman po, game ako. Kasi idol po iyon,” saad pa niya patungkol sa National Artist for Visual Arts na ang tunay na pangalan ay Benedicto Reyes Cabrera.