NI: RONA RONDA

Wala umanong pakialam si Ethel Booba sa politika kaya napagdesisyunan na niyang itanggi ang Twitter account na @IamEthylGabison na mayroong 1.6 million followers.

Inamin din ni Ethel na gusto niyang maging transparent kaya’t iginiit niya na sinuportahan ang pangulo sa mga kampanya nito.

Aniya, “Binoto ko nga yun tao eh, binoto ko as President tapos kokontrahin ko. Ano ba naman yan? bakit hinaluan mo ng pagpopolitiko ‘yung Twitter.”

Iginiit din niya na katuwaan lamang ang nasabing social media account at ‘di akalain na lolobo ang mga follower.

Pero hindi tugma ang paliwanag ni Ethel .Sinakyan niya ang kasikatan at ang banat nito sa Twitter. Lalo na’t nag-click ito sa mga tao at ng Viva Entertainment.

Sa isang video clip pa ni Ethel na kuha mula sa It’s Showtime Grand Kantahan, sinabi niya rito na mayroon umanong admin na humahawak sa kanyang Twitter. Mayroon pa umanong meeting na nagaganap para maaprubahan niya ang Tweet na ilalabas.

Pero ngayon ay tinanggi na rin ni Ethel na kilala niya ang admin na nasa likod ng controversial Twitter account.

Actually, nakapag-publish pa ang comedian-singer ng libro na “Charotism” sa ilalim ng Viva. Pasok sa libro ang mga witty na tweets at pino-promote pa ito sa mismong Twitter account.

Reaksyon ng mga netizen, parang wala umanong basehan ang pagtanggi nito sa Twitter account na pinakinabangan niya. Hindi rin naniniwala ang iba na hindi nito kilala ang admin.

Kaya naman nanawagan ang ilang netizen sa Viva Entertainment dahil baka alam nila kung sino ang nasa likod nito.

Komento ng mga netizen,

@johndannug, “Turns out real Ethel Booba is also a fake. There’s no denying she benefited from that fake account. If she didn’t like the attention, she should’ve called it out early on and should’ve declined Viva’s offer to publish a book.”

@tessa_tua, “Tama na paliwanag, tsupi na….Reveal na lang yung dating admin para ma-ifollow! Yun ang me deserve ng 1.6M followers!”

@chinky_blue, “Yan na nga ba sinasabi eh. Dont judge a book by its twitter hahahaha. Kaloka. Sayang. Funny pa man din yung iba nyang tweets. Sana ma reveal sino yung witty admin.”

@broooklyn92, “Dapat gumawa ng bagong accnt tong ghost writer ni ethel mas ifo follow ko sya kesa kay ethel booba na dds shuta.”