Vivian kontra sa Provisional Franchise ng Dos

NI: MILDRED A.BACUD

Hindi naitago ni Vivian Velez ang pagkadismaya sa pagbibigay ng provisional franchise ng Kongreso sa ABS CBN. Post niya sa kanyang FB account, ” Congress providing ABS- CBN provisional franchise is illegal- Abolish Congress.”

Sey pa niya sa comment section,

“It’s illegal. There is a pending issue in the committee,”

“There is no such thing as provisional franchise. Congress can create laws but they can never be above the law.”

May sumagot din na isang netizen na nagngangalang Erick Padilla, “Bakit provisional? It’s either meron at walang lang. Imbento?

Sunod ay may post si Vivian na balimbing na prutas .May caption na “Need I say more?Sino siya.” Sa mga komento mukhang isa sa nasa Congress ang pinapatungkulan niya.”

Nagpost muli siya ng, “You don’t give a pep talk to rally people behind you, then buckle down in the end.Keep your word! #yestoshutdown #notooligarchs.”

Hati naman ang reaksyon ng mga netizen.May mga sumasang-ayon at kumontra.

Sa Kapamilya Kingdom page ay pinutakti naman ng bashers si Vivian.Bakit daw ganun na lamang ang galit niya sa ABS-CBN gayong nabigyan siya ng magandang projects dito tulad ng mga seryeng

“Imortal” with Angel Locsin at “Tubig at Langis” with Cristine Reyes.

Sey ng isang netizen, “Ano ka presidente mag – aabolish ng Congress?Laos!”

Naungkat pa ang isyu ng pagkakatanggal niya sa seryeng Tubig at Langis kung saan matatandaang nagkaroon sila ng alitan ni Cristine Reyes. Tinawag pa ng isang netizen na kontrabida sa serye maging sa totoong buhay si Vivian.

Bukas naman ang pahina ng Abante sa panig ng Kongreso tungkol sa opinion ni Vivian para sa ikalilinaw ng isyu.