VM Duterte, bayaw lusot sa shabu smuggling

Paolo Duterte, Mans Carpio

Hindi kasama ang presidential son na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at brother-in-law nitong si Atty. Manases Carpio sa pinakakasuhan ng Senado kaugnay ng kontrobersyal na P6.4-billion shabu shipment mula sa China.

“No evidence was established to connect the two to the smuggling of drugs or other contraband through the Bureau of Customs (BOC),” ayon sa Senate Blue Ribbon Committee report.

Gayunman, inirekomenda ng committee sa pamumuno ni Senador Richard Gordon sa National Bureau of Investigation (NBI) na isai­lalim sa ‘lifestyle check’ ang dalawa kaugnay ng kanilang pagkakadawit sa smuggling ng naturang shabu noong Mayo.

“The committee is requesting the NBI to include both personalities in the lifestyle checks being conducted and which they also sought to be carried out on at least 13 persona­lities purportedly involved in the shipment, ayon sa 52-pahinang report.

Sina Duterte at Mana­ses ay inimbitahan sa pagdinig ng Senado matapos madawit ang kanilang pangalan sa diumano’y pagpasok sa bansa ng 604 kilo ng shabu na natagpuan sa isang warehouse sa Valenzuela.

Bukod kina Duterte at Carpio, inirekomenda ring isailalim sa lifestyle check sina Davao City Councilor Nilo ‘Small’ Abellera, customs broker turned whistleblower Mark Taguba, at negos­yanteng si Kenneth Dong na malapit na kaibigan diumano ng presidential son.